Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cosby guilty sa pang-aabuso kay Judy

0 78

Guilty ang hatol ng Los Angeles County court sa American comedian na si Bill Cosby dahil sa ginawa niyang pag-sexual abuse kay Judy Huth noong 1975.

Sixteen lang si Judy noong abusuhin siya ni Cosby sa isang party sa Playboy Mansion. Dahil sa verdict, inuutusan si Cosby na bayaran si Judy ng $500,000 in damages.

Pinabulaanan ng 84-year-old comedian ang akusasyon sa kanya ni Judy noong sampahan siya ng kaso in 2014. Ayon sa aktor ay hindi raw niya kilala si Judy at wala siyang recollection na nakasama niya ito sa Playboy Mansion.

Ayon sa testimony na binigay ni Judy: “Cosby attempted to put his hands down my pants, exposed himself to me, and forced me to touch him sexually in a bedroom at Hugh Hefner’s estate. I lied to Cosby that I was menstruating in hopes of stopping him. I was trying to deflect. But he didn’t stop. I just closed my eyes… It was so fast. Maybe five minutes. Quick.”

Nakilala raw ni Judy si Cosby sa shooting set ng pelikula nito noong 1975. Malapit lang daw kasi sa bahay niya ang park kunsaan nagsu-shooting ito ng Let’s Do It Again. Niyaya raw siya at ang kaibigan niyang si Donna Samuelson na mag-party sa Playboy Mansion.

Ang naging malakas na pruweba ni Judy ay ang photo nila ni Cosby sa naturang party na kuha ni Donna. Patunay na magkakilala sila ng aktor at nandoon nga sila sa Playboy Mansion.

Na-convict na for three counts of aggravated indecent assault si Cosby noong 2018. Pero two years pa lang ang na-serve niya sa three to ten years sentence niya nang i-overturn ng Pennsylvania State Supreme Court ang sexual assault conviction niya sa Andrea Constand case. Nakalabas si Cosby ng bilibib noong 2021.

Higit na 50 women ang nagsalita na naging biktima sila ni Cosby ng sexual abuse at sexual assault. Inamin ni Cosby noong 2005 na hinahalo niya sa inumin ng kanyang biktima ang drug na Quaaludes para maabuso niya ang mga ito. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.