Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coronavirus test ilibre sa mga jobseeker

0 16

Naghain si Senador Sonny Angara ng panukalang magbibigay na libreng COVID-19 testing sa mga naghahanap ng trabaho.

Sa ilalim ng Senate Bill 2291 o Free COVID-19 Testing for Jobseekers Act ay may mandato sa gobyerno na sagutin ang dagdag na pre-employment ng COVID-19 test.

Layunin din ng panukala na i-promote ang kaligtasan ng mga jobseeker at tiyaking na magtutuloy-tuloy ang negosyo at trabaho sa bansa sa pamamagitan ng pag-subsidize ng COVID-19 testing lalo na sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Sa ilalim ng SB 2291, ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang sasagot sa COVID-19 testing.

Sabi ni Angara, ang mga puwedeng mag-avail ng free COVID-19 test ay mga indibiduwal na unang beses pa lamang naghahanap ng trabaho, mga unemployed na naghahanap ng trabaho at manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pan­demya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.