Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coronavirus test, hospital tent PhilHealth magbabayad — Duterte

0 44

UMAKSIYON na si Pangulong Rodrigo Duterte sa hinaing ng publiko tungkol sa mahal na paniningil sa mga hospital tent at iba pang gastusin ng mga COVID-19 patient.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, pinag-utos ng Pangulo sa PhilHealth na isama sa kanilang coverage ang mga gastos ng pasyente sa RT-PCR test, pati na rin sa pag-isolate ng mga mild at kritikal na mga pasyente.

“Nagbigay ng direktiba po ang ating Presidente sa Philippine Health Insurance Corp. na kasama sa health insurance coverage ang RT PCR tests, isolation sa accredited community isolation units at hospitalization para sa mild at critical cases ng COVID-19,” saad ni Roque.

Bukod pa dito, isinama na rin ni Duterte ang mga tent na pinagtutuluyan ng mga pasyente dahil puno na ang mga pasilidad sa loob ng ospital. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.