Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coronavirus sa Cebu 6K na

0 567

Umabot na sa halos 6,000 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Cebu City.

Sa tala noong Sabado, may 167 bagong kaso ang nadagdag kaya may kabuuang 5,989 kaso ng COVID-19, ayon sa City Health Department (CHD). Bukod dito, may 96 na gumaling at 9 naman ang nasawi mula noong Hunyo 28 hanggang Hulyo 1.

Karamihan sa mga bagong naitalang kaso ay mula sa Brgy. Lahug at Capital Site na may tig-19, habang sa Brgy. Guadalupe ay 12.

Nagkaroon din ng 10 bagong kaso ng nahawa mula sa Brgy. Basak San Nicolas, kung saan naganap ang kontrobersyal na piyesta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.