Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coronavirus laboratory binuksan sa Calabarzon

0 295

Isang molecular laboaratory ang binuksan ng Department of Health (DOH)-Calabarzon para sa COVID-19 testing sa rehiyon.

Ayon kay DOH-Regional Director Eduado Janairo, malaking pakinabang ang pagbubukas ng RAKKK Prophet Medical Center, Incorporated na matatagpuan sa Maharlika Highway, Brgy. Rosario, Gumaca Quezon.

Mapapabilis aniya nito ang proseso ng swab testing, mas marami at madaling malalaman kung positibo o hindi ang isang pasyente

“Malaki ang maitutulong ng additional molecular laboratory na ito upang mapabilis ang proseso ng swab testing sa mga pasyente at mas marami at mas madali nating malalaman ang positibo o hinde at kung sino ang dapat ilagay sa isolation facility,” ani Janairo. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.