Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coronavirus kumalat sa PNP

0 45

Pumalo na sa 3,262 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) kasunod ng dagdag na bagong kaso na 450 na naitala kahapon.

Dahil dito ay nasa 44,635 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya mula pa nang magsi­mula ang pandemya.

Nakasaad naman sa health service report ng PNP na may 31 bagong nakarekober kaya’t umakyat na sa 41,248 ang mga pulis na coronavirus survivor.

Nanatili naman ang death toll ng pulisya sa 125.

Naunang sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na karamihan sa mga COVID case sa hanay ng mga pulis ay mild symptoms, na na­ngangailangan lamang ng home o facility isolation.

Base na rin sa tala ng PNP, nasa 216,166 o 95.93 percent na ng kanilang mga tauhan ang fully-vaccinated kontra COVID-19, habang 7,824 o 3.47 percent ang naghihintay ng pangalawang dose.

Aabot naman sa 1,343 PNP personnel o 0.60 percent ang hindi pa natuturukan ng anumang bakuna ng coronavirus. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.