Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Coronavirus bakuna, testing ‘wag ipokus sa NCR – VP Leni

0 46

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa administrasyong Duterte na dagdagan ang pagbibigay ng tulong, lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Robredo dapat magkaroon ng sapat na stock ng bakuna at mga COVID-19 testing center para agad maagapan ang pagtaas ng kaso sa mga lugar, partikular na sa mga probinsya na tumataas ang bilang ng nagkakasakit matapos ianunsyo ng Department of Health (DOH) na nasa 36 lugar ang may ‘high or moderate risk’ number ng coronavirus infections.

“Hindi lang dito sa Metro Manila pero ‘yong areas of concern all over Philippines, sana masuportahan sila ng testing, vaccines kasi ‘yon talaga ‘yong problema,” ayon kay Robredo.

Una nang ini-report ng DOH na sa 50,104 sumailalim sa COVID-19 testing, nasa 11.5% nito ang nakitang carrier ng virus na lubhang nakaka­bahala na kung saan naglaan na ang opisina ng VP na tulong sa ilang lalawigan kaakibat ang health protocol na inilaan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.