Una sa Balita

Cora sinibak ng Red Sox

0 335

SINIBAK agad ng Red Sox si Alex Cora, hindi na hinintay na madamay pa ang Boston sa sign-stealing scheme ng manager na ginamit niya noon sa Houston Astros.

Martes nang gabi, pinatalsik si Cora ng team na ­inihatid niya sa 2018 World Series title. Hindi na ­hinintay ng Red Sox ang parusang igagawad ng Major League Baseball kay Cora.

“Active participant” ang deskripsiyon ni baseball commissioner Rob Manfred kay Cora sa pandaraya ng Astros noong bench coach pa siya sa Houston.

Sa kanyang nine-page report, 11 ­beses abanggit ni Manfred si Cora. Siya raw ang ­pasimuno sa pandaraya. Ginamit ng Astros ang center field camera para pag-aralan ang signals ng catchers sa pitchers ng opposing teams. Kapag nakuha na, papaluin nila ang trash can para iparating sa batter ang pitch na ibabato.

Unang sinipa ng Astros sina manager AJ Hinch at general manager Jeff Luhnow.

“Given the findings and the commissioner’s ruling, we collectively decided that it would not be possible for Alex to effectively lead the club going forward,” anang statement ng Red Sox. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More