Una sa Balita

Cool Smashers binitbit nina Galanza, Negrito

0 264

PATULOY pa rin ang pamamayagpag ng Creamline Cool Smashers nang hagupitin ang BaliPure Purest Water Defenders, 25-11, 25-15, 25-17, sa ikalawang laro Miyerkoles ng gabi sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.

Wala man si Jia Morado dahil sa training sa Thailand at ang volleyball phenom na si Alyssa Valdez dahil sa injury ay sinalo naman ni Jema Galanza ang opensa sa kinamadang game-high 17 points.

Kumayod naman si Kyle Negrito ng 17 excellent sets para bigyang tulungan ang Cool Smashers mapreserba ang 10-0 karta.

“Sobrang nakaka-proud,” wika ni outside hitter Jema. “Kasi hindi lang ‘yung mga inaasahan ‘yung nakakapuntos.”

Nananatiling nasa itaas ng team standings ang Creamline habang nasa pang-walo ang Water Defenders na nalasap din ang ikalimang dikit na talo para sa 2-8 baraha.

Ang nagawang 8 points ni Grazielle Bombita ang pinakamataas lamang na puntos na nabigay ng player ng BaliPure sa laro. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy