Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Convicted rapist Sanchez pasok sa GCTA

0 189

Inamin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maaring mapalaya si convicted at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa ilalim ng General Conduct Time Allowance (GCTA).

“He was entitled to GCTA under revised penal code,”ayon kay Guevarra.

Nabatid na si Sanchez ay nahatulan noong Marso 14,1995 dahil sa panggahasa at pagpaslang sa magkaibigang Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Ayon kay Guevarra may bagong GCTA manual na maaring magamit ng Bureau of Correction(BuCor) at maari nang i-print.

Ang GCTA law ay pansamantalang nasuspinde noon Agosto,2019 matapos magkaroon ng kontrobersiya sa pagpapalaya kay Sanchez at ilang bilanggo.

“Processing was temporarily suspended last year when DOJ, DILG worked on the revised IRR. Now we’ve come up with new rules and regulations which are a lot clearer,”dagdag pa ni Guevarra.

Mas malinaw na umano ngayon ang isyu kaugnay sa mga heinous crime sa bagong GCTA manual.(Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.