Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Converge nagpabata: Rookie Ambohot, Arana pirmado

0 87

NAKATALI na ang Twin Towers ng Converge.

Nagkasundo na ang FiberXers at dalawang rookie picks nilang sina Jeo Ambohot at Justin Arana.

Tatlong taon ang binigay kay Ambohot, dalawa kay Arana.

Third pick overall ng Converge si Ambohot, isinunod sa No. 4 si Arana sa PBA Draft noong May 15 sa Robinsons Place-Manila.

Lumaki at bumata na ang frontline ng team na nakabili sa franchise ng Alaska Aces, may panahog na kina Ben Adamos at Abu Tratter.

Parehong 6-foot-7 sina Ambohot at Arana, maliliksing bigs. MVP ng NCAA Season 97 mula Letran Knights si Ambohot, poste ng Arellano U Chiefs si Arana.

Naging teammates din ang dalawa sa Pasig-Sta. Lucia sa Filbasket kaya hindi na magkakapaan sa loob.

“May okay ‘yun kasi dalawa na kaming rookies sa team tapos kaibigan ko rin siya,” ani Ambohot sa partner.

Pumirna din ng one-year deal si freshman guard Kurt Lojera, 9th pick overall ng Blackwater pero trinade sa FiberXers para kay big man Yousef Taha. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.