Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Container van nagliyab sa NLEX

0 72

Naglagablab ang isang 18-wheeler container van sa North Luzon Expreeway (NLEX) Harbour link Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Alas-tres ng madaling-araw nang masunog ang container van na minamaneho ni Leo Florentino. Kwento ng tsuper, galing siya sa Pasig at patungo sa Pier Tondo, Manila para mag-deliver ng tansan.

Pagsapit sa NLEX Harbour link Caloocan City, biglang sumabog ang gulong ng van sa likurang bahagi. Hindi ito napansin ni Florentino, pero kalaunan ay nakita niya sa side mirror na nagliliyab na ang minamanehong sasakyan.

SM food to go Banner Ad

Nataranta ang driver at mabilis na bumaba sa sasakyan at tuluyan na itong nagliyab hanggang sa rumesponde na ang mga tauhan ng Caloocan City Bureau of Fire Protection na kaagad namang inapula ang nasusunog na van.

Sabi ni Fire Inspector Elyzer Leal, may fire extinguisher sa container van pero hindi na ito nagamit ng driver dahil sa sobrang bilis ng pagkalat ng apoy at sa katarantahan na rin ng huli.

Hindi naman nasaktan si Florentino at kaagad naialis sa kalsada ang nasunog na container van, na bahagyang nagdulot ng pagsisikip ng trapiko. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.