Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Container van dagdag na COVID facility

0 53

Maging mga container van ay ginawa nang isolation facility sa Navotas City para sa mga COVID-19 patient.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, 30 mga container van ang inayos at ginawang quarantine facility na may 120 bed capacity. Dito ilalagak ang mga mild at asymtomatic na pasyente, lalo pa’t hindi pinahihintulutan ang home quarantine.

Tiniyak din ni Tiangco na mabibigyan ng maayos na serbisyo ang mga pasyenteng nasa quarantine facility, pero apela niya sa kanyang mga nasasakupan na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocol upang matuldukan ang COVID-19. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.