Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Contact tracing bawal gamitin sa negosyo

0 457

Nagbabala ang National Privacy Commission (NPC) sa paggamit ng personal data na nakakalap mula sa contact tracing at health declaration form ng isang establisimiyento para sa direct marketing at iba pang gawain na wala namang kinalaman sa COVID-19.

Paalala ng NPC, paglabag ito sa batas at may parusang kulong at multa sa ilalim ng Data Privacy Act.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro, malaki ang papel ng mga establisimiyento sa contact tracing na susi para mapigilan ang pagkalat ng pandemya kayat kailangang igarantiya nila ang proteksyon ng mga nakukuhang personal data.

Ang personal na impormasyong makukuha sa contact tracing form ay sa Department of Health lamang maibibigay o sa partner agency nito. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.