Una sa Balita

Consumers tatamaan ng buwis sa uling, kuryente tataas

By
0 23

Nagbabala si Senador Sherwin Gatchalian na tataas ang singil sa kur­yente simula sa Enero ng susunod na taon sa sanda­ling maipatupad ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Bunsod aniya ito ng P300 na dagdag-buwis sa uling sa ilalim ng tax reform package.

Sa kasalukuyan, P10 ang ipinapataw na buwis sa bawat metriko tonelada ng uling. Subalit sa inaprubahang probisyon, gagawin itong P100 at itataas pa ito sa P300 mula 2018 hanggang 2020.

Nangangamba si Gatchalian na ipapasa ­lamang ito sa mga consumer dahil uling ang panggatong ng mga planta ng kuryente kaya hindi malayong tumaas rin ang singil sa kuryente.

Ipinaliwanag ng ­senador na 50% ng suplay ng kuryente ay galing sa mga coal plant.

Kung susumahin, ang P100 pesos na pagtaas sa excise tax sa uling ay katumbas ng P4.78 pesos na pagtaas sa consumers na gumagamit ng 200 kilowatt hour ng kur­yente kada buwan.