Una sa Balita

Consumers bubulagain sa bagong buwis

By
0 202

Ibinabala ng isang kongresista ang ‘price shock’ na idudulot sa mga consumer kapag ganap nang naging batas at ipinatupad ang ng tax reform package ng administrasyong Duterte.

Kasabay nito, mu­ling nagpahayag ng pagtutol si Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) na nakatakdang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw, Disyembre 19.

“Aside from the procedural lapses in the passing of the railroaded TRAIN bill in the House of Representatives, the contents of the bill itself are highly contentious and gravely anti-people. Once implemented, this TRAIN will trigger a price shock against consumers with the spike of prices of oil, power, sugary beve­rages and other pro­ducts,” pahayag ng Bayan Muna solon.

Iginiit nito na ang mga nakasapin na probisyon sa TRAIN ay tadtad ng dagdag pasanin sa mga konsyumer.

Sa power sector na lamang aniya base mismo sa Meralco ay magkakaroon ng dagdag na bayarin mula 0.04 hanggang 0.08 kada kilowatt hour.

Kaya mahalaga ani­ya kung magkaroon sana ng probisyon ang TRAIN para maibsan ang negatibong epekto nito sa mga konsyumer.

“With this, the tax reform bill should at least have a provision to cushion the adverse impact to consumers of these added tax on fuel, to require all distributions utilities to subject to truly competitive bidding the supply contracts for power,” dagdag ng mambabatas.

Kaugnay nito, ki­na­kailangan aniya na rebisahin ng Energy­ Regulatory Commission (ERC) ang kanilang ‘rate setting methodologies’ para mawalis ang ‘unfair charges’ na ipapasa sa mga konsyumer.

“Even with this though, the tax reform package remains an oppressive piece of legislation that should definitely be opposed in all fronts,” ayon kay Zarate.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy