Una sa Balita

Construction worker tinadtad ng saksak sa leeg

0 215

Isa nang malamig na bangkay at tadtad ng saksak sa leeg nang madatnan ng kanyang nobya ang isang cons­truction worker sa loob ng kanyang tahanan sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni P/Lt. Nick S. Fontanilla, ng Crimi­nal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Ronald Sepida Valdez Jr., 26, construction worker at taga-141 Blessing St., Area 6, Brgy. Bagong Silangan, QC.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ni P/Cpl. Alexiss Mace L. Jurado, ng CIDU-QCPD, alas-otso nang umaga nitong Lunes (Agosto 12) nang matagpuang duguang nakahandusay at tadtad ng saksak sa leeg ang biktima ng umano’y nobya niyang si Jeraldine Tolentino sa loob ng taha­nan nito.

Ayon kay Tolentino, nagpupunta lamang siya sa bahay ni Valdez tuwing weekend at kung may free time siya kaya wala siyang nalalaman kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Masusi ngayong iniimbestigahan ng awtoridad kung ano ang motibo at kung sino ang salarin sa krimen.
(Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy