Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Construction worker niregaluhan ng bahay

0 104

Pinusuan ng mga netizen ang natanggap na biyaya ng pamilya ng isang construction worker na naging biktima ng bagyo.

Binigyan kasi ng programang Unang Hirit ng bahay ang pamilya ni Arjay Canlas Ruben ng Camarines Sur, Bicol.

SM food to go Banner Ad

Kinuwento ng pamilya nito ang sinapit sa paghagupit ng bagyong ‘Rolly’ at ‘Ulysses’, na kahit ilang linggo na ang lumipas ay bakas pa rin ang pinsala sa kanilang tahanan. Pinakita ni Ruben ang ginawa niyang bahay na pinagtagpi-tagping mga materyales na kanyang napulot para may masilungan ang kanyang mag-iina.

Buhos pa ang biyaya ng pamilya dahil bukod sa bagong masisilungan ay nakatanggap din si Arjay ng mga tools para sa kabuhayan at P50,000 tulong pinansyal naman para sa pagsisimula ng kanilang buhay sa bagong bahay.

Marami ang naantig sa kwento ng pamilya at humiling rin na matulungan ang iba pang mga nasalanta ng magkakasunod na kalamidad noong 2020.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.