Una sa Balita

Construction worker binurdahan ng saksak sa bakanteng lote

0 390

Agaw-BUHAY sa paga­mutan ang isang 24-an­yos na construction worker matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Pasay City kamakalawa.

Inoobserbahan pa sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Sandalo Delna, nakatira sa Baseco Compound, Maynila.

Dakong alas-8:30 nang gabi nang maganap ang insidente sa isang bakanteng lote sa harapan ng Shore Residences Tower B Seaside Boulevard, Barangay 76, Zone 10.

Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa nangyaring pananaksak sa lugar, at nang kanilang respondehan ay dito na naabutan ang duguang biktima na tadtad ng saksak.

Sa ngayon ay patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at ina­alam na rin ang mo­tibo ng pananaksak. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy