Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Conor kumasa kay Manny

0 373

MUKHANG kakasa na si Conor kay Manny matapos mag-tweet ng “tinatanggap ko”.

Iyan mismo ang katagang ginamit ni UFC star Conor McGregor sa hamon na natanggap nito sa nilulutong bakbakan nila ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao.

Sa Twitter account ng Irish MMA fighter ay nag-tagalog pa ito ng `tinatanggap ko’ sa hamunan nila ni ‘Pacman’.

Related Posts

Magkaiba man ng tema sa buntalan dahil mas brusko si ‘The Notorious’ sa pentagon, pamilyar naman ito sa boksing dahil nakatapat na niya noon si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr.

Bagamat magkaiba man ng larangan dahil mas brusko si ‘The Notorious’ sa pentagon, pamilyar naman ito sa boksing dahil nakatapat na niya ang undefeated American boxer na si Floyd Mayweather Jr.

Wala pang tiyak na kakalabanin si fighting senator Manny Pacquiao ngayong 2020 pero nasa radar na niya sina Terrence Crawford, Errol Spence Jr. at Mikey Garcia bukod pa si McGregor. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.