Una sa Balita

Conjugal rooms para sa mga preso, binuksan

By
0 3

ZAMBOANGA CITY — May kakaibang proyekto na inilunsad ang South Cotabato Rehabilitation and Detention Center para sa mga bilanggo at kanilang asawa sa Koronadal City upang mabigyan sila ng sapat na pribadong oras kahit pa nasa piitan.

Binuksan na ng bilangguan ang 10 mga conjugal rooms at may mga tiles pa ang flooring at bagong pintura rin. Sa halagang P20 ay maaari itong arkilahin ng bilanggo at kanyang asawa sa loob ng 2-oras para sa kanilang pribadong sandali. Gagamitin ang malilikom na salapi sa maintenance ng naturang mga kuwarto.

Maaari ring umarkila ng electric fan sa halagang P10 mula sa asosasyon ng mga bilanggo doon.

Ayon kay Jail Warden Juan Lanzaderas, eksklusibo umano ang paggamit ng conjugal rooms sa mga lehitimong mag-asawa at kailangan ring magpakita ng marriage certificate ang mga ito bilang patunay.

Once a week lamang pwedeng gamitin ng mag-asawa ang naturang conjugal room upang mapagbigyan naman ang lahat nang may gustong gumamit nito. Pinuri naman ng mga bilanggo ang naturang proyekto upang lalong palakasin ang bonding ng mga bilanggo sa kanilang mga dumadalaw na asawa.