Una sa Balita

Conjugal property ng namatay na kapatid, may share ba ang pamilya?

0 461

Dear Attorney,

Hello po ­attorney, may tanong po ako tungkol sa conjugal property ng kapatid kong babae.

Namatay po kasi ka­patid ko at ‘yung asawa niya ay plano nang ibenta ang bahay nila…May makukuha pa po ba kaming 1/2 shares ‘pag nabenta?
Salamat po,
Glende

Dear Ms. Glende,
Hindi mo nasabi kung may anak sila dahil kung anak sila ay wala kayong makukuha na anuman mula sa namatay mong kapatid dahil ang anak at asawa niya ang magiging compulsory heir niya at kayo bilang kapatid ay walang karapatan na humabol sa mga naiwan niya.

Kung sakali naman na wala silang anak ngunit buhay naman ang magulang ninyo…. ang makakasamang tagapagmana ng asawa niya ay ang magulang ninyo at kayo bilang kapatid ay hindi pa rin maituturing na tagapagmana.

Kung walang anak at wala ng magulang na naiwan ang kapatid mo at doon lamang kayo magkakaroon bilang tagapagmana bilang collateral relatives. Ayon sa Art. 1001 ng Civil Code of the Philippines :
Should brothers and sisters or their children survive with the widow or widower, the latter shall be entitled to one-half of the inheritance and the brothers and sisters or their children to the other half.

May makukuha ka­yong 1/2 na share sa naiwan ng kapatid mo o 1/4 ng kabuuang property dahil tandaan na ang 1/2 ng property ay parte ng asawa niya bilang co owner. Kaya’t ang paghahatian ninyo lamang ay ang matitirang 1/2 ng kapatid mo kaya’t ang 1/2 ng 1/2 ng kapatid mo at 1/4 ng buong property.
***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o 8 5142143 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy