Una sa Balita

Conjugal property gustong i-transfer ang title sa mga anak

By
0 772

Good day Atty. Claire,

May gusto lang po kung itanong about sa pag-transfer ng title, annulled na po ko but my property po ka­ming ng ex-husband ko, ngayon po gusto ko na pong i-tansfer sa dalawang anak ko na nasa legal age na po bago po kami ma-annulled pumirma po siya ng deed of donation na ‘yung property namin na house ay ibibigay niya sa dalawang anak that’s the time na mga minor pa sila, is that valid po ba atty? kahit ‘di pa na notaryo ‘yung nasabing deed of donation, kasi according ‘to sa pinagawan ko dati ‘wag muna ipanotaryo hanggang ‘di pa daw maii-transfer ang titulo tama po ba ‘yun?

Ngayon anuuled na kami at nasa legal age na po ang mga anak namin puwede ko na po bang ipa-transfer ang titulo ng bahay namin.
Lubos na gumagalang

Roselyn

Ms. Rose,

Ang ginawang Deed of Donation ng iyong asawa pabor sa inyong mga anak ay valid kahit iyan ay matagal nang nagawa. Kakaila­nganin ninyo lamang na iyan ay manotaryuhan upang maiproseso mo ang paglipat ng titulo sa pangalan ng inyong mga anak.

Inaasahan ko na kayo naman ay naging maganda ang paghihiwalay upang sabay na kayong pupunta at haharap sa notaryo publiko upang mapanum­paan at patotohanan ang dokumento na inyong ginawa at pi­nirmahan.

Tandaan na ang pag-dispose o paglipat ng may-ari ng kanyang karapatan sa isang ari-arian ay karapatan niya ngunit kapag ang asawa mo ay nagkaroon muli ng ibang mga lehitimong anak sa magiging asawa niya (kung magkakaroon) ay maaaring maibalik sa dating estado ang ari-arian upang hindi maapektuhan ang share ng iba niyang mga tagapagmana kung sakaling hindi sapat ang share upang mahati ng pantay-pantay. Kakaiba naman kapag ang ginawang dokumento ay isang Deed of Sale (totoong may bentahan). Kapag bentahan ang naging transaksyon pabor sa anak ay hindi na ito mababawi pa at maibabalik sa dating estado (estate ng asawa mo) dahil naisalin sa iba ang ari arian ng may kasamang konsideras­yon o bayad.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 at 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy