‘Conjugal assets’ pinabubura ni Alvarez sa Family Code

By

Upang maiwasan na ang away sa ­naghiwalay na mag-asawa, pinabu­bura na ni House ­Speaker ­Pantaleon ­‘Bebot’ ­Alvarez sa Family Code ang “conjugal asset ­sharing”.

“It may even deter marriage for money,” ani Alvarez sa kanyang inihaing House Bill 5260 para am­yendahan ang Article 75 o Title IV ng Family Code na nagsasaad na lahat ng mga ari-arian ng mag-asawa ay awtomatikong pinag-iisa o nagiging conjugal assets, lalo na kapag walang ‘pre-nuptial agreement”.

Sinabi ni Alvarez na sa unang tingin, maganda ang layon ng nasabing batas dahil pinapatatag nito ang integridad ng pamilyang ­Filipino subalit ito ang isa sa nagi­ging dahilan ng away ­pamilya kapag ang relasyon ng mag-asawa ay nasa panganib na.

“The State must ­recognize that these realities are, in fact, burdensome and detrimental to the relations of less-than-ideal families and marriages. The contestation of property in the face of a growing rift only breeds resentment,” ani Alvarez sa kanyang panukala.

Upang maresolba ­aniya ito, nais ng House ­leader na amyendahan ang ­nasabing batas at burahin ang mga katagang “obsolute community” at palitan ito ng ­“total seperation of ­property”.


SHARE