Una sa Balita

Congresswoman nag-resign para maging yaya

By ,
0 7

Nag-resign sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Anak Minda­nao Party-list Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman.

“My sincerest gratitude for this opportunit­y to once again and for the last time address this ­August chamber…Thank you fellow members, majorit­y floor leader, minority floor leade­r and my fellow proud Mindanaon Speake­r Pantaleon Alvarez,” bahag­i ng privilege speech ni Turabin-Hataman kung saan inihayag nito ang kanyang pagbibitiw bilang mambabatas.

Hindi idinetalye ng congresswoman pero personal aniya ang dahilan ng kanyang pagbibitiw sa Kamara. Gusto na umano nitong bumalik sa pribadong buhay para personal na matutukan at maalagaan ang kanyang mga anak.

Sinabi ni Hataman na hindi naging madali para sa kanya ang mag-resign.

Ang lady solon ay asawa ni dating Anak Min­danao party-list Rep. Mujiv Hataman na ngayon ay gobernador ng Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nasa Kamara kaha­po­n si Gov. Hataman para suportahan ng kanyang maybahay nang pormal na magpaalam..

Kabilang ang congresswoman sa inalisan ng committee chairmanship matapos bumoto kontra sa death penalty.

Papalitan siya ng ikatlong nominee ng Anak Mindanao na si Amihild­a Sangcopan, na Kalihim ngayon ng Department of Agrarian Reform sa ARMM.