Una sa Balita

Congressman niregaluhan ang chiching ng house and lot

0 468

Alam niyo bang napakagalante pala ng isang matulis na Congressman na mukhang in love na in love sa batang-bata at maganda niyang chiching?

Ayon sa aking bubwit, kahit matulis si Congressman ay todo-iwas siya sa mga artista o showbiz-related na beauties dahil ayon mismo sa kanya, ayaw niya ng intriga. Kung sabagay, malakas na magnet ng isyu at intriga kapag na-link si Cong. Sir sa taga-showbiz. Dahil iwas-intriga si Cong. Sir ay non-showbiz ang kanyang pinormahan.

Tinalo ni Congressman Sir ang isang actor-politician na nagregalo ng mga Louis Vuitton na bag sa kanyang sexy, maganda at batang-batang girlfriend.

Ang petmalu ni Cong. Sir kasi ibinahay na niya ang kanyang chiching. Yes mga pare at mare, ayon sa a­king bubwit, sa area na malapit kay P’que City Mayor Olivarez sa BF Homes P’que ang love nest ni Congressman at ng kanyang chiching.

Teka, rewind muna tayo ng konti. Kung naaalala niyo pa ito ring si Cong.

Sir ‘yung minsang tinaasan ng kilay ng kasamahan niya sa kongreso dahil nang minsang nasa high-end na mall sila ng kanyang chiching ay nakasalubong nila ang isa rin kongresista na kasama naman ang isang anak. Ipinakilala ni Congressman Sir ang kasama niya na ‘my wife’, dahilan para medyo ma-off ‘yung nakasalubong nila at sinabihan ng anak ‘yung tatay niyang kongresista na huwag gagaya sa kaibigan niya.

Ang galanteng Congressman Sir na niregaluhan ng malaking bahay na may swimming pool pa ang maganda at batang-batang chiching ay may bigote at aktibo sa hearings, siya si deputado Foxtrot Charlie.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy