Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cong Tan kasado sa imbestigasyon

0 114

NILINAW ni House Committee on Health chairperson at Quezon Rep. Angelina ‘Helen’ Tan ang ilang isyu patungkol sa pagpapaturok nito ng bakunang Sinovac sa Ve­terans Memorial Medical Center (VMMC).

Itinanggi ng lady solon ang pagkakaroon ng “special treatment” kaya agad siyang naturukan ng bakuna na pangontra sa COVID-19.

“Sinasabing diumano ay binigyan raw ako ng espesyal na pagtrato o VIP treatment ukol dito. Hindi po ito totoo,” paghahayag ni Rep. Tan.

“Una, hindi ako tinurukan ng bakuna dahil ako ay kongresista o tagapanguna ng Committee on Health ng Mababang Kapulungan kahit pa ako ay isang doktor. Ako ay nagpaturok dahil sa alokasyon ng bakuna na nakalaan para sa a­king panganay na anak na nagtatrabaho bilang doktor sa VMMC,” paliwanag ng kongresista.

Bilang patunay, batay pa kay Rep. Tan, ito ay isinumite at aprubado ng National Vaccination Committee ayon sa Direktor ng VMMC na si Dr. Dominador Chiong, Jr.

“Ikalawa, ang aking intensyon ay hindi mauna kundi ang tulungan ang gobyerno na palakasin ang tiwala ng tao sa bakuna sa harap ng takot ng maraming Pilipino ukol sa epekto, bisa at kaligtasan ng pagbabakuna,” ani Rep. Tan.

“Pangatlo, wala akong nalalamang anuman batas o kautusan na aking nilabag dahil dito,” giit nito.

“Nakahanda akong humarap sakaling magkaroon man ng imbestigasyon ang nararapat na ahensya ng gobyerno ukol dito upang bigyang tugon ang mga duda at masasamang-isip ng ilan nating mga kababayan at higit sa lahat, ay malaman ng publiko ang katotohahan kasama na rin ang ilang mga kontrobersya ukol sa pagbabakuna sa bansa,” paglalahad ni Rep. Tan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.