Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cong nawalan ng sungay nang matalo sa halalan

0 87

Sino raw itong miyembro ng Lower House ang naging maamong tupa matapos mawalan ng sungay dahil sa pagkatalo sa nakaraang halalan?

Dati raw kasi, ayon sa binulong ng ilang Marites kay Mang Teban, mistulang baboy-ramo raw ang bangis at kakisigang ipinamalas ni congressman dahil ipinakita nito ang pangil, buntot pati na ang sungay nito sa mga kapwa mambabatas at pati na sa mga constituent. In short, maangas ang kumag!

Pero nang matalo sa halalan, naging maamong tupa na ito ngayon dahil siguro sa kahihiyan. Kinapos kasi ang nakuhang boto nitong si congressman kaya naman nagsimula na itong magbalat-balot ng gamit sa kanyang tanggapan.

Napansin hindi lamang ng mga staff kundi maging ng kanyang mga kapwa mambabatas ang pagiging mabait nito ngayon. Ang da­ting mala-baboy ramo ay para raw ngayong domesticated pig na palaging nakababa ang ulo.

Kung dati ay hindi puwedeng humarang-harang sa daraanan nito dahil susuwagin ka niya, ngayon ito pa ang umiiwas para hindi mabunggo.

Pintahan niyo na. Siya ay mayroong letrang P sa kanyang pangalan parang ‘yung kanta ni Andrew E. na, “Humanap ka ng Pa­ngit.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.