Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cong nagkuripot, olats sa halalan

0 63

Kung may kantang nababagay sa isang miyembro ng House of Representatives, swak dito ang awitin ni Regine Velasquez na “Kung maibabalik ko lang”.

Sa kabila ng sangkatutak na kuwarta, nagkuripot itong si congressman kaya natalo sa nakaraang May 9 elections.

Kuwento ng ilang Marites kay Mang Teban, puwede naman daw manalo itong si cong pero hindi siya tumodo sa katatapos na eleksiyon, in short sinakal nito ang paglabas ng pera sa kanyang bulsa.

Bukod sa nag-ala boksingero ito na nakasarado ang mga palad para hindi makawala ang kuwarta, umasa rin daw itong mambabatas na magtatrabaho ang kanyang ama para masiguro ang kanyang reeleksiyon. Pero tinamad din sa pag-iikot ang ama kaya natalo itong ating bida.

Ang ipinagtataka ng marami ay namayagpag naman itong si kongresista ngayong 18th Congress at sa dami ng nasungkit nitong proyekto dahil siya ay malapit sa kusina walang naniniwala na hindi ito nagkamal ng pera. Sure ang kanyang mga kasama na mayroon itong bubunutin kaya ang tingin nila ay nagkuripot lang ito.

Pintahan n’yo na. Ang kongresista ay mala-Jaworski kung magguwardiya sa kanyang pera kaya natalo sa halalan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.