Una sa Balita

Cong naghakot ng pangregalo

0 541

Kahit malayo pa ang Pasko, naghahakot na ngayon ang isang miyembro ng Lower House ng magiging pangregalo niya.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na dalawang van ang pinatakbo niya sa Metro Manila upang kunin ang mga pangregalo.

Napuno raw ang dalawang van ng mga pang­regalo na nakalagay sa mga kulay pulang ecobag.

Ibiniyahe raw ang mga regalo nitong Martes patungo sa distrito ni congressman na matatagpuan sa Mimaropa region.

Sa dami ng hinakot na regalo, kaya nitong bigyan ang lahat ng residente ng kanyang distrito.

Pintahan n’yo na. Si congressman ay may mataas din na ambisyon sa buhay at may letrang A sa kanyang pangalan, as in Anito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy