Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cong: Mga oil firm tumiba sa tongpats

0 215

Inakusahan ng dalawang kongresista mula sa Makabayan bloc ang mga kompanya ng langis ng overpricing mula sa kanilang ipinatupad na serye ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlenes Brosas, overpriced umano ng mula P4 hanggang P5 ang presyuhan ng mga kompanya batay na rin sa lumitaw na komputasyon.

“Hindi totoo na sumusunod lang sa galaw ng presyo ng langis sa world market ang mga oil companies. Overpriced ang local petroleum products ng P4-5 ayon mismo sa ilang pagtataya,” ayon kay Brosas.

Sinigundahan naman ito ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate sa pagsasabing limpak-limpak na ang kinita ng mga kompanya dahil sa overpricing ng kanilang mga produkto.

Dahil dito, muling iginiit ng grupo ang madaliang pagbasura sa Oil Deregulation Law dahil napatunayang hindi umano ito nakatulong para bumaba ang presyo ng langis.

Iginiit pa ng grupo na suspindehin ang implementasyon ng buwis sa mga produktong petrolyo. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.