Una sa Balita

Cong Malapitan todo pasalamat kay Pangulong Duterte sa pag-apruba sa Tala Hospital bill

0 230

KASABAY ng parangal na natanggap sa pamunuan at kawani ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital (DJNRMH), mas kilala sa tawag na Tala Hospital ay todong pasasa­lamat ang pinahatid ni Caloocan 1st District Rep. Dale ‘Along’ Malapitan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa agarang pag-apruba ng kanyang bill na nagtakda ng pagpapalawak ng nasabing ospital.

Ganun pa man, nagpasalamat din siya sa pamunuan ng DJNRMH sa pangunguna ni Medical Center chief Dr. Alfonso Victorino Famaran sa ibinigay na recognition sa kanyang kontribusyon sa pagpapalawig ng serbisyong medikal at pangkalusugan ng ospital para sa kapakanan ng mga taga-Caloocan.

“Layunin kong pangalagaan at palakasin ang karapatan ng mga mamamayan ng Caloocan, lalo na ng mga maralitang taga-lungsod, para sa lingkurang-pang­kalusugan na itinatakda ng Saligang Batas,” ani Malapitan.

Kanyang muling pinahatid ang pasasalamat sa Pangulo at sa lahat ng nakiisa at tumulong mula sa pagsusumite ng panukala hanggang sa pagsasabatas nito tulad ni ex-Sen. JV Ejercito na nakatuwang sa Senado.

Sinasabi rin sa nasabing batas ang pagdaragdag ng kawani ng DJNRMH na ayon sa DOH (Department of Health) Revised Organizational Structure and Standard Staffing Pattern for Level III Hospitals ay dapat umabot ng 3,801 para sa isang 800-bed capacity, Level III Hospital.

Panghuli, isinasaad din nito ang karagdagang paglalaan ng pondo para sa maayos at mabisang pagpapatupad ng Malapitan Law.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy