Una sa Balita

Cong Magi nanguna sa survey

By
0 320

Liyamado ang nagba­balik Kongreso na si Atty. Magi Gunigundo sa magkakasunod na survey na ginagawa sa siyam na barangay sa second district sa Valenzuela City para sa May 13, election.

Base sa survey ng Valenzuela Reformed Movement (VRM) na may mga petsang Pebrero 21-28 at Marso 1-7, 70% ang nagsasabi na sila ay pabor kay Cong. Magi, habang 30% ang pumabor kay Cong. Eric Martinez.

Sa pamamaraan ng survey VRM, kumakausap sila ng 50 hanggang 100 katao sa bawat barangay sa second district kung saan pinupulsuhan ang mga botante sa iba’t ibang sector sa pangunahing suliranin sa mga lugar.

Lumalabas na ang pangunahing problema sa bawat lugar ay kawalan ng gamot lalo na ang maintenance ng mga senior citizen, pagkawala ng mga scholarship sa mga estudyante, high school man o kolehiyo, guarantee letter, medical assistant burial assistant at livelihood program.

Sa 15 taon na Congressman si Atty. Magi ito ang kanyang naging proyekto na tatlong taon nawala simula ng matapos ang kanyang term noong 2016.

Naging malaking ins­trumento din kay Atty. Magi kaya umangat ito sa survey ay ang 14 na batas na naiakda nito sa Kongreso na base na rin sa datos ay nakakagawa siya ng batas sa bawat taon niya bilang miyembro ng Kongreso.

Simula noon, hindi­ na daw nalasap ng mga taga-second district ang mga nakasanayang proyekto dahil hindi naman naging­ prayoridad ni Martinez ang mga nasa­bing proyekto, bagkus sumentro sa nakaupong kinatawan ang pagpa-repair ng covered court at pagkukumpuni ng mga kalsada.

Sa pagtatanong-tanong din ng VRM, ang mga magagandang proyekto sa Valenzuela ay karaniwang galing sa lokal na pamahalaan ng lungsod.

Base rin sa soloobin ng mga taga-ikalawang distrito, si Cong. Magi ang kanilang napipisil sa May 13 election, lalo pa’t hindi naman si Mayor Rex Gatcha­lian ang kanyang makakalaban.

May nakausap din ang grupo ni VRM na lo­yal sa ‘pulahan’ na posibleng tumakbong mayor si Martinez kapag nanalo itong Congressman sa darating na halalan, dahil matatapos na ang termino ni Mayor Rex. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy