Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cong inahas dating boss

0 71

Mistulang ngiting aso ngayon ang isang dating asungot matapos na makalamang sa kanyang dating ‘boss’ na kanyang kinalaban sa katatapos na halalan.

Nakabuwelo itong asungot dahil sa mga oportunidad na ibinigay sa kanya ng dati nitong boss. Mga oportunidad, as in oportunidad na kumita sa mga proyekto ng gobyerno.

Ilang administrasyon na ang nakalilipas nang maisingit ng former boss ang papel ng asungot kaya na-appoint sa isang magandang puwesto o maperang ahensiya ng gobyerno.

Tulad nga ng pamosong linyang “what are we in power for,” ginamit ng asungot ang nasabing puwesto upang magpayaman at mapalakas ang kanyang werpa.

Doon siya nakakuha ng kickback sa mga proyekto na siya namang nagpatubo sa kanyang sungay at buntot. Hanggang sa dumating ang panahon na nasabi nito sa kanyang sarili na kaya niya nang banggain ang dati nitong tinatawag na boss.

Noong nakaraang halalan, nagkaroon ng katuparan ang misyon nito nang daigin ang dating boss.

Clue. Ang asungot na naging boss ng kanilang distrito ay mayroong letrang E sa kanyang pangalan, as in ekis na ang former boss.

Leave A Reply

Your email address will not be published.