Una sa Balita

Cong. Duterte, Amb. Aguiluz V suportado ang AMA sa Jakarta

0 307

Ang ‘Tapang at Malasakit National basketball & Volleyball Tournament’ head na si Congressman Paolo ‘Pulong’ Duterte ay susuporta sa AMA basketball team papuntang Jakarta, Indonesia dahil isa siya na pareho ang adhikain ng aming AMA Chairman Amb. Amable R. Aguiluz V at President Dr. Amable C. Aguiluz IX na makatulong sa kabataan na makapag-aral ng libre at maiwas sa masasamang bisyo.

Kaya taos-puso po kaming nagpapasalamat sa pagsuporta.

Naghahanda na ang AMA University Seniors at Juniors Basketball team sa darating na UCSAA Pre-Season sa Agosto 30 sa Ynares Center.

Pinangungunahan nina Andre Paras, Luke Parcero, Nico Estibar, Alvin Fuentes, Dean Ericko Martin, Rochil Saor, Christian Germino, Alec Catorce at Nikon Alina na galing sa Juniors.

Kapana-panabik ang naturang torneong pang-eskuwela dahil ito ay nilalahukan ng malalaking kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila.

***

Kasisimula pa lang ng school year 2019-2020 sa AMA University, masusubukan na ang mga bagong estudyanteng manlalaro ng AMA University na nabiyayaan ng full scholarship sa pamamagitan ng AMA Sports Program na pinamumunuan ng inyong lingkod.

Lalahok ang aming AMA 16-Under (Born 2003) at 19-Under (Born 2000) sa ikalawang yugto ng Breakdown Basketball sa Moro Lorenzo Gym.

Ang aming 16-Under squad ay pangungunahan nina JP Magpayo, Randolf Cruz, Jasper Del Pilar, Buboy Berdin at mga bagong player na siNa Rolly Temporosa, Josef Bojorcelo, Riel Lisondra, Nathaniel Rivera at Kyn Vicente.
Samantala ang aming 19-Under na koponan ay pinangungunahan nina Christian Camay Joshua Seda, Reed Baclig, Cymond Santos, Alec Catorce, Christian Germino, Allen Rodriguez, Joshua Villamor, Zoe Orbeta, Eriz Romero, at mga baguhang Cla Aldrine Gubot, Josh Colina, Nathaniel Flores, Rafael Raymundo, Marky Macasaet, Ralph Altamirano at Earl Ceniza.

***
Pinapasalamatan ng AMA Aspirants Basketball na pupunta sa Jakarta si Congressman Pulong Duterte at Congressman Eric Yap sa suporta nila sa team na sila rin nagsimula ng ‘Tapang at Malasakit National Basketball & Volleyball Tournament’ na nakatulong sa maraming kabataan magkaroon ng libreng pag-aaral at maiwas sa mga masasamang bisyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy