Una sa Balita

Coney ayaw sumawsaw sa kasikatan ni Mayor Vico

0 706

So proud naman si Coney Reyes sa anak niyang Mayor ng Pasig na si Vico Sotto, sa mga magagandang papuri na natatanggap nito sa mga kababayan natin.

Pinakita kasi ni Mayor Vico kung papaano siya umaksyon sa national emergency na kinakaharap ng siyudad ng Pasig. Naikukumpara tuloy siya sa ibang mga Mayor.

Pero pakiusap niya na wag na silang ikumpara bagkus magtulungan na lang sa ikabubuti ng mga sinasakupan nila.

Puring-puri nga ang ina niyang si Coney Reyes sa magaling na performance ng anak. At kahit sa teleserye niya ay marami ang humanga sa husay niyang umarte, ha!

Pero ang maganda kay Coney, kahit sikat at pinag-uusapan at trending ang anak niya dahil sa kahusayan, ayaw niyang sumawsaw. Hindi siya umeeksena at hinahayaan lang ang anak na gawin ang tamang trabaho.

Mga artista tuloy ang suweldo

Ramdam ng Kapuso network ang krisis na pinagdadaanan ng bansa natin, kaya naman agad silang tumugon sa kahilingan ni Pangulong Duterte na manatili muna sa bahay ang lahat ng mga kababayan natin habang ginagawan ng paraan ng gobyerno na labanan ang deadly disease na coronavirus na laganap sa buong mundo.

Kung nasa labas nga naman ng mga bahay ang mga Pinoy ay malaki ang chance na magkahawaan. Kaya hindi muna pinapasok ang maraming trabahante, pero tinuloy nila ang pagpapasuweldo sa mga empleyado, pati na sa mga artista at production staff nila.

Malaking donasyon din ang binigay nila sa mga frontliner.

Well, hindi biro ang nakatengga ka lang sa bahay, na maski ako na limang araw pa lang sa loob at hindi lumalabas ay bored na bored na. Pero para naman ito sa kaligtasan natin.

Nanay nina Bernard, Mico na-cremate na sa US

Hindi pa man nakaka-six months ang pagkamatay ni Mico Palanca ay sumunod naman namatay ang ina niya due to cancer na late na- diagnose.

Si Pita Revilla na mula sa pamosong Revilla clan ay pumanaw two days ago sa San Francisco, California at noong Biyernes ay na-cremate na ito. Nakausap namin si Pita noong namatay si Mico at hindi namin maipaliwanag kung gaano kasakit ang nararamdaman niya noong mga panahong iyon sa pagkamatay ni Mico.

Nabigla kami sa biglang pagkamatay niya at hindi naman niya nabanggit sa pag-uusap namin na may sakit siya. I feel sorry for her children na naiwan especially sa mga younger one na balita ko na maayos naman daw ang kalagayan.

Hindi pa namin alam kung kailan iuuwi rito ang kanyang mga ashes na nasa pangangalaga raw ng kapatid sa San Francisco.

Ang aming pakikiramay sa mga anak sa pangunguna ni Bernard Palanca, Erika, Lisa, Martin at Santi.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More