Una sa Balita

Cone ‘tinuka’ si Caguioa

0 437

HINDI nahiyang halikan ni coach Tim Cone si Mark ‘The Spark’ Caguioa­ matapos masungkit ng Barangay Ginebra Gin Kings ang kampeonato ng katatapos lang na 2019 PBA Governors Cup nang talu­nin sa Game 5 finals ang Meralco­ Bolts, 105-93.

Sa Instagram post ni Caguioa ay makikita sa larawang pabiro at tila girlfriend na nag-kiss sa kanya ang most accomplished coach sa kasaysayan ng PBA.

Tuluyang humupa ang nerbiyos­ ng American professional basketball coach na may record na 21 titles at 2 Grand slam nang magwagi ang kanyang Barangay Ginebra team kontra Meralco Bolts.

Dahil sa cheesy at mala-bromance nilang IG photo ay marami ang nag-like, pumuso at nagkomento.

Sabi ni netizen @ohohroseann15, “cute ni coach tim waaa,” habang bumati naman si @Guiller Cruz, “congrats ctc & d spark.” (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More