Una sa Balita

Cone pinaikot-ikot ni Waze, lalong natrapik

0 369

Mga laro ­ngayon: (Smart Araneta ­Coliseum)
4:30pm — Rain or Shine vs Meralco
6:45pm — ­NorthPort vs Ginebra

MUNTIK hindi ­umabot sa tip off ng laro ­kontra Columbian Dyip si Ginebra coach Tim Cone noong Biyernes, nabiktima ang two-time grand slam champion coach ng napakatinding trapik.

“Friday, payday,” ani Cone, pero hindi niya inasahang ganun ­katindi.
Mula sa Alabang, ­inabot siya ng ­halos apat na oras para ­makarating ng Smart Araneta ­Coliseum.

“I’m embarrassed to say that I didn’t get into the game right at the buzzer-beater of the first game,” bungad ni Cone sa postgame news conference.

Tinutukoy niya ang 3-pointer ni Matthew Wright na nagligtas sa Phoenix 120-117 laban sa Blackwater. Nag-overtime pa ang laro ng Fuel Masters at Elite, kung hindi ay mas ma­lamang na hindi na nga nakaabot sa opening tip si Cone.

Kamakalawa, kung saan-saan siya pinadaan ng Waze, nagpaikot-ikot na at lalong nabalaho sa trapik. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy