Una sa Balita

Cone pinagtanggol si Jamito

By
0 164

Tulad ng isang ama sa kanyang anak, ­idinepensa ni Tim Cone si Jammer Jamito sa plano ni PBA Commissioner Chito Narvasa na pag-ban sa Ginebra player sa mga darating na All-Star Week slamdunk event.

Nabanggit ng PBA boss ang kanyang balak matapos ang 29th PBA All-Star Week Luzon Leg skills competition sa Quezon Convention Center sa Lucena noong Abril 28, kung saan pinatayo ng crowd favorite team rookie si teammate Japeth Aguilar bago isagawa ang kanyang dakdak.

Inakala ng lahat na lilipad ang 2016 ­Rookie Draft second round, 15th pick overall mula sa St. Clare College sa ibabaw nang nakatayo sa ­ilalim ng goal pero nakayukong 6-foot-9 na si ­Aguilar. Pero, sa halip na ­lundagan si ­Aguilar, ­nag-sidestep ­right-handed slam lang si Jamito, na ikinahalak­hak ng mga nanood.

Sa mga hindi nakakaalam, si Jamito ay left-handed, pero kanan ang kanyang ginamit na pan-dunk.

Ang saloobin ni Narvasa’y nag-viral na kamakalawa sa social media, kung saan katakut-takot na maaanghang na komento ang kanyang natanggap mula sa mga PBA fans, lalo na ang mga diehard fans ng Ginebra.

Naroon ang may mga nag-hashtag na nananawagan sa kanyang pagbibitiw sa katungkulan sa pro league, mga nagsabing siya’y killjoy, overacting, kulang sa pansin, abnormal, nireregla,  magkumkisyuner na lang ng sungka at kung anu-ano pang panlalait at napakasakit na mga pahayag.

Pinagtanggol ni Cone si Jamito, pero naiintindihin din aniya ang trabaho’t saloobin ng isang kumisyuner gaya ni Narvasa.

“While I can certainly understand the Commissioner’s perspective of keeping the All Star activities real, I think in Jammer’s defense, one he really didn’t have the ­ability to compete with the high flyers in the competition, and was miscast, and that side step dunk with his right hand (he’s lefty) was seriously a difficult dunk for him,” salaysay ng Gin Kings coach.

Hindi sigurado si Cone sa tunay na intensyon ng kanyang ­player, maging ang naging pagpapatawa nito.

Pero giniit ­niyang sigurado siyang ­mahusay si Jamito, ­matinong tao at kung batid lang nito aniya na ikagagalit ni Narvasa ang kanyang nagawa, hindi na rin niya ito sinubukan.

“I’m not sure if his original intention was to make a joke of it, but I am sure that Jammer is a really good, high character guy and if he knew this incident was going to cause this much of a furor, there is no way he would have attempted it,” panapos ni Cone.

Ang nasabing dunk ni Jamito ay na-feature pa sa NBA’s “The Starters” kung saan may isa pang video ang ipinakita na halos ­kapareho ng ginawa ng Ginebra player.

Hindi nag-react si Narvasa sa mga ­bashers niya at sa halip ay binig­yang pansin na lang na ginagawa ­lamang niya ang kanyang trabaho bilang tagapagpatakbo sa liga.

“Commissioner has to play several roles. One is to be strict in implementing the rules and discipline. Second is to guide and encourage everyone in the PBA so they can properly play their roles  well and to their true potential,” ani ­Narvasa sa pamamagitan ng kanyang special assis­tant at Media Bureau Chief Willie Marcial.

“The second one is what they do not see and which have been doing ever since I came in,” wakas ni Marcial.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy