Una sa Balita

Cone natatakot sa San Miguel

By
0 632

Finals Game 5 nga­yon:
(Smart Araneta Coliseum)
6:30 pm – Ginebra vs. SMB

TULOY ang pagte-trending ng PBA Commissioner’s Cup Finals pagkatapos ng apat na larong tambakan.

Itinagay ng Gineb­ra ang opener, 127-99, rumesbak ang San Miguel Beer sa Games 2 at 3, 134-109 at 132-94, bago bumawi ng sariling blowout ang Gin Kings, 130-100, sa Game 4 nitong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

Pati si coach Tim Cone, nahihiwagaan at nalilito na sa series na inihambing niya pa sa Western Conference finals ng Golden State at Houston sa NBA.

“I’m as shocked as everybody is in this series. It’s been a strange series,” bungad ni Cone sa post-game news conference. “I don’t think I’ve ever seen more of like this before.”

Dalawang grand slam at 20 titulo na ang dumaan sa kamay ni Cone, pero mukhang ngayon lang siya naka­kita ng ganitong kala­king tambakan sa championship series.

“Kind of reminded me of the Rockets and the Warriors in the conference finals this last year. I think five out of the seven games were like blowouts, and then there were two really close games where Houston won, they won by four and they won by two,” aniya.

Sabak muli ng Big Dome ang dalawa para muling mag-unahan sa trangko sa Game 5 mamaya.

Balik sa 0-0 ang series na nauwi na sa best-of-three, inaabangan ni Cone ang muling balikwas ng Beermen.
“All it does is just scare me even more ‘cause we’ve seen their fight coming out of the last time we did this,” puna ni Cone.