Una sa Balita

Cone nakapokus kay Pringle, GlobalPort

By
0 1,826

Team Standings
(Commissioner’s Cup)
W L
Rain or Shine 9 1
Alaska 7 3
TNT 7 3
Meralco 7 4
San Miguel 6 4
Ginebra 5 5
GlobalPort 5 5
Magnolia 5 5
Phoenix 4 6
Columbian Dyip 4 7
NLEX 2 9
Blackwater 1 10

Mga Laro Ngayon (Cuneta Astrodome)
4:30 pm – Alaska vs. Phoenix
7 pm – GlobalPort vs. Ginebra

BABASAGIN ng GlobalPort at Ginebra ang pagkakabuhol sa 5-5 sa main game ng PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome mamaya.

Sa first game ay salpukan ang nasa second-third na Alaska (7-3) at running ninth Phoenix (4-6). Patitibayin ng Aces ang kapit sa top 2 na twice-to-beat sa quarterfinals, maghahabol ng panalo ang Fuel Masters para magkaroon ng tiyansa kahit playoffs sa eighth at last slot sa playoffs.

Inumpisahan ng Gin Kings ang midseason tournament sa 1-5, binalik si Justin Brownlee, nakarekober na rin si Greg Slaughter mula injury, at unti-unting gumapang pataas.

Nasa three-way tie sa sixth-eighth ang Gins, Batang Pier at Magnolia. Mahalaga ang pa­nalo para makasiguro ng puwesto sa top 6.

Apat na sunod na panalo ang tinagay ng Ginebra, naputol ang momentum nang magkaroon ng two-week break ang PBA.
“As a team we have worked really hard to get back in the race after our 1-5 start,” ani Gin Kings coach Tim Cone. “We’ve been in playoff mode for weeks, yet our recovery is not complete.”

Huling itinumba ng Ginebra ang Aces, 105-86 noong Hunyo 24, makalipas ang 12 araw ay ngayon lang ulit ba­balik sa court. Kaila­ngan nilang ilabas ang angas na nagbigay sa kanila ng four straight wins kontra GlobalPort.

“We still have the ta­lented GlobalPort squad as a last hurdle before the playoffs begin,” dagdag ni Cone.
“(Stanley) Pringle and company will be tough.” (Vladi Eduarte)