Una sa Balita

Cone kursunada ng SBP para Gilas coach

0 195

MATAPOS ang 21 taon, posibleng muling mahawakan ni Tim Cone ang National team.

Kursunada ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang PBA winningest coach para palitan si Yeng Guiao bilang bagong head coach ng Gilas Pilipinas.

“We have to choose the coach first. Then the first order is to talk to him if he’s willing himself. I like to imagine he would be. Then we have to talk to San Miguel (Corp.). I think they will permit him to do that,” ayon kay SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan.

May 21 crowns na si Cone sa PBA kasama ang dalawang grand slam title na tanging siya pa lang ang nakagagawa.

Dati na ring nagsilbi si Cone para sa National colors, sumalang bilang coach ng PBA Centennial Team kung saan nasungkit ang third place sa 1998 Asian Games sa Bangkok.

Hiling din ng SBP na mapadali ang pagbuo ng roster sa posibleng pagkuha kay Cone.

“(Mga SMC player) hatak ‘yan pag si Tim Cone,” saad pa ni Pangilinan. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy