Una sa Balita

Condition Race MC10: Forest Cover primera

0 237

BAHAGYANG nakasilat si second choice Forest Cover na sinunggaban ang unahan sa largahan upang sikwatin ang panalo sa Condition Race Merged Category 10 nitong Sabado ng hapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Abante agad ng isang kabayo si Forest Cover sa unang 200 metro ng karera subalit kinapitan siya ni Magic Blast.

Kahit nilulutsa ay ‘di binitawan ni Forest Cover ang bandera, at sa huling 400 meters ng karera’y unti-unti nang kumalas ang winning horse para makalamang ng dalawang kabayo papasok ng hometurn.

“Ramdam ko na mananalo kami kasi ang lakas pa rin ng hakbang ni Forest Cover sa rektahan”, saad ni apprentice rider PM Cabalejo.

Sinikap ni outstanding favorite My Jopay na lumapit sa rektahan pero kinapos ito at isinuko ang panalo kay Forest Cover.

Terserong dumating si Magic Blast habang pang-apat si Exhilarated. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy