Una sa Balita

ConCon ako! — Leni

By
0 164

Kung siya lang ang masusunod, mas pabor si Vice President Leni Robredo na Constitutional Convention (ConCon) ang mag-amyenda sa Saligang Batas kesa sa Constituent Assembly (ConAss).

Sa press briefing sa kanyang tanggapan sa Executive House sa Quezon City, sinabi ni Robredo na sa pamamagitan ng ConCon ay talagang may bahagi ang taumbayan sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

“Ako, sa akin ideally ConCon ang gusto ko. Pero para sa akin, pag gusto talaga natin people participation, makapag-concentrate sa trabaho ng pag-aamyenda ng Konstitusyon, mas maigi ‘yong ConCon,” ani Robredo.

Dagdag na trabaho umano sa mga mambabatas sa Senado at Kamara ang ConAss. Idadaan ang pag-am­yenda ng Saligang Batas na itinutulak ng Duterte administration upang mapalitan ang sistema ng gobyerno mula presidential system tungo sa federal form.

Gayunpaman, nain­tindihan umano ni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na ConAss ang sistemang gagamitin sa Charter change (ChaCha) dahil sa usapin ng pondong magagastos.

“Pero naiintindihan ko kasi ‘yong reservations ng ating Pangulo. Pag ConCon, malaking budget ang kinakailangan,” dagdag pa nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy