Una sa Balita

ConCom ipoporma na ni Duterte

By
0 3

Kinumpirma kahapon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang planong pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 24 commissioners na bubuo sa Constitutional Commission (ConCom) para gumawa ng draft ng bagong Konstitusyon.

Sinabi ni Abella sa press briefing sa Malacañang na suportado ng mga lider ng Kongreso ang hakbang na ito ng Pangulo.

“It’s something that they – the President and the Congress have already expressed support for….and have expressed support for a Constitutional Commission to assist in drafting amendments. And several groups have already been conducting research and fora on federalism,” ayon pa kay Abella.

Kabilang aniya sa mga puntiryang italaga ng Pangulo para bumuo ng draft ay mga ex-justices at ilang sibilyan.

Hindi pa umano tinutukoy ng Pangulo kung sinu-sino ang mga ito subalit planong pangalanan sa Set­yembre at bibigyan ng anim na buwan para rebisahin ang Konstitusyon.