Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Concert ni Regine sinabotahe

0 187

Nag-alala si Regine Velasquez dahil mapi-preempt ang laman ng virtual Valentine’ concert niya at maapektuhan ang surprise element nito.

Hindi na sinabi ni Regine kung ano ang nagpabulabog sa kanya, pero agad nitong ipinakiusap sa kanyang mga follower na kung puwede ay baklasin ng mga ito ang natanggap na mga material sa gagawin niyang concert, ang “Freedom”.

“Hi guys pakiusap lang na may nag-leak na materials from the concert please pa delete naman,” sabi ni Regine.

Umaksyon naman agad ang mga tagahanga niya at nanawagan din sa mga kapwa fan.

Unang Valentine’ concert ito ni Regine na online, kaya ganun na lang ang pag-iingat niyang masilip ang mga gagawin at kakantahin niya, lalo at medyo mahal ang tiket.

So, ang tanong, sino ang sumabotahe sa concert ni Regine?

Sheryl may pagnanasa kay Jeric

Muling pinag-isip ni Sheryl Cruz ang kanyang mga fan sa ipinangalandakan niyang sunud-sunod na mga larawan nila ni Jeric Gonzales sa Instagram.

Unang larawan ay ang mahigpit na magkahawak ang mga kamay nila ni Jeric. Ang isa naman ay sa guesting nila sa show ng GMA.

Mapapaisip ka kung totoo bang nahulog o natuloy na sa relasyon sina Sheryl at Jeric sa mga hashtag niya na parang nagsasabing may unawaan nga sila.

“Trust me, I adore you,” ang chika ni Sheryl, na may hashtag na #KasalananKoBangAyawBitiwanAngKamayKo, #BabyandBabeTogetherAgain, #LoveWins, #MagingMasayaNaLangKayo, #BawalBitterSaPageKo, #TeamJeRylMalakas.”

Kaloka lang ang reaksiyon ng iba, na ramdam daw nila na may pagnanasa si Sheryl kay Jeric, ha!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.