Una sa Balita

ConAss ‘di iaatras ni PDU30

By
0 163

Muling dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon mula sa mga bumabatikos sa Constitutional Assembly (ConAss) bilang paraan ng Charter Change (ChaCha).

Giit ng Pangulo, siya mismo ay nagtitiwala sa mga senador at kongresistang na iniluklok ng taumbayan sa puwesto.

Tutol ang ilan sa ConAss dahil tiyak na pansariling interes lamang ng mga mambabatas ang maisusulong umano sa pagbuo ng Konstitusyon ngunit para kay Pangulong Duterte dapat pagkatiwalaan ang mga mambabatas lalo at marami sa mga ito ay may ilang dekada nang ibinoboto ng taumbayan.

“Hinahalal sila ng may ilang dekada na na nangangahulugang pinagkakatiawalaan sila ng taumbayan,” pahayag ni Pangulong Duterte kung saan sinabi pa nito na madaling magsalita at mistulang magagaling lang ang mga nag-aakusa sa mga mambabatas na uupo sa ConAss na kapwa mga magnanakaw.

Binigyang kasiguruhan pa ng Pangulo na babantayan niya ang ChaCha at hindi naman ito papayag na bastusin ng mga mambabatas ang Saligang Batas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy