Una sa Balita

Compton, Black gitgitan sa Top 8

0 256

Standings W L
Phoenix 9 2
Rain or Shine 8 3
TNT 6 3
SMB 6 4
Ginebra 5 3
NLEX 4 5
Columbian 4 6
Magnolia 3 5
Alaska 3 5
Meralco 3 6
NorthPort 2 5
Blackwater 2 8

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)
4:30pm — Alaska vs. Meralco
7:00pm — Magnolia vs. NorthPort

PAREHONG nasa labas ng playoff picture ang Alaska at Meralco Bolts, naghahabol ng krusyal na mga panalo para makagitgit sa top 8 na aabante sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

Nasa 9th ang Aces (3-5), sa ilalim nila ang Bolts (3-6). Magtatagpo ang dalawa sa first game mamaya sa Smart Araneta Coliseum, bago ang bakbakan ng 8th place­r Magnolia (3-5) at 11th NorthPort (2-5) sa nightcap.

Kung ‘5’ ang magic number ng panalo para makapasok sa playoffs, kailangan na ng Alaska at Meralco na ipanalo ang mga natitira pang laro at umasa na hindi na mananalo ang 4-5 NLEX at 4-6 Columbian.

“That Meralco game is huge if we want to make the quarterfinals,” giit ni Aces coach Alex Compton. “Hopefully we get healthy and get back to who we are and how we play.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy