Una sa Balita

Compound kampo ng mga kapre

0 203

Mga ka-Misteryo, nakakita na ba kayo ng kapre? Anong ginawa niyo nang makakita kayo?

‘Yan ang ating paksa ngayon: ‘Basta may Misteryo Alamin natin ang Totoo!’

Kalilipat lamang ng trabaho ni Francis ng Pasig at nadestino siya sa isang compound sa Pasay bilang utility man.

Tulad ng naka­gawian ‘pag bagong salta sa isang lugar ay kailangan niyang pag-aralang mabuti ang bawat sulok para hindi siya ma­ngapa sa kanyang pagtatrabaho.

Saktong may ginagawa sa loob ng compound na matagal nang abandonado kaya’t lagi niya itong inuunang lini­san bago ang iba pa sa loob.

Isang madaling-araw, kailangan niyang linisan ang bahagi ng compound nang may mapansin siyang aninong nakatayo sa sulok. Ito ang inusisa sa kanya ng #TeamMisteryo.

Team Misteryo: “Anong hitsura ng anino?”

Francis: “Matangkad ang anino. Sa sobrang tangkad niya ay sumayad na ang ulo nito sa kisame. Sa tingin ko kapre siya parang may hawak siyang malaking tabako.”

Team Misteryo: “Anong sumunod na nangyari? May ginawa ba ang anino?”

Francis: “Nakatayo lang siya hindi gumagalaw. Pero paglapit ko sa kanya ay bigla siyang nag­laho.”

Team Misteryo: ‘Yun lang ba ang unang insidente na may nakakita sa kap­re?”

Francis: “Naku hindi lang ‘yun. ‘Yung kasama ko. Nagpunta ng CR ng compound may anino na nakatayo sa tabi niya at nakayuko sa kanya. Habang ang isa naman ay pinagalaw ang isang gamit na at may malaking anino na nakatayo sa tabi nito.”

Team Misteryo: “Wala naman sinaktan sa inyo?

Francis: “Wala naman at parang mabait naman sila.”

Ang karanasan ni Francis ay maaa­ring mangyari sa iba. Marahil ay kampo nga ng mga kapre ang compound.

***

Para sa inyong mga kuwentong karanasan mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy