Una sa Balita

Compostela Valley tatawagin nang Davao de Oro

0 368

Magkakaroon na ng bagong pangalan ang lalawigan ng Compostela Valley.

Ito’y matapos maraming residente sa lalawigan ang pumabor na maratipikahan ang Republic Act 11297 na nagpapalit sa pangalan ng Compostela Valley bilang Davao de Oro.

Umabot sa 174,442 ang nahakot na ‘Yes’ vote kumpara sa 5,020 na ‘No’ vote sa ginanap na plebisito noong Disyembre 7.

Inanunsyo ito ni Comelec 11 Regional Director lawyer Remlane Tambuang sa loob ng Sangguniang Panlalawigan Session Hall noong Disyembre 8 nang gabi matapos mabilang ang mga election return mula sa 11 na bayan. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More